18th

Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako kapag naiisip ko na magdedebut na ako. Ewan ko. Siguro kasi, wala naman akong birthday na hindi ako naiyak. Sadly, lahat yun hindi tears of joy. I mean, yung mga birthday ko na natatandaan ko na, ha. Ewan ko. Siguro sa sunud sunod na taon na nagbirthday ako nang malungkot, hindi ko na matandaan yung time na naging masaya ako.

Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na, isang araw lang naman yun. At matatapos din yon. But this time, hindi ba pwede na makaramdam naman ako ng excitement at mag-expect naman ako ng positive?

I know. Wala sa mga tao sa paligid ko yun mali. Hindi sa kanila nakasalalay yung kasiyahan ko. Pero ewan ko. Siguro abnormal lang talaga ako. Siguro may sapak lang talaga ako sa ulo at nalulungkot pa rin ako kahit alam kong wala namang dapat ikalungkot.

Gusto ko sana this year, maging masaya naman yung birthday ko.

Yung masaya na, nararamdaman ko talaga. Hindi yung masaya na after ng ganito, wala na. Yung masaya na kumpleto. Yung masaya na galing talaga sakin. Yung masaya na totoo. Yung masaya na hindi dahil sa ibang tao.

Hindi kasi ako magkakaron ng debut party. Actually hindi ko naman talaga yun pinangarap. Ang gusto ko kasi, ipunin nalang yung pera para sa mga kakailanganinko sa school. Dahil alam ko, mahal yun at kailangan ko lang mamili ng isa. Kaso lately, naisip ko, kung laptop at DSLR lang naman ang gusto ko, kayang kaya ko namang bumili nun pag mayaman na ko. Eh yung debut… isang beses lang naman yun dadaan.

Kaso hindi naman namin kaya yung ideal debut ko. So naisip ko ulit, sayang lang yung pera. Wag nalang. Siguro simple nalang. Pero kahit simple, gusto ko sana yung kakaiba. Kaso ano? 

Nakakatanga isipin na ang dami kong paraan para pasayahin yung mga kaibigan ko, pero yung sarili ko, hindi ko alam kung pano papasayahin.

May problema nga siguro ako sa utak. O sa puso. O kahit saan. Basta siguro may problema ako.Minsan nga gusto ko na talagang magpa-psychologist. Kaso wala, hindi ko nagagawa.

Kung tatanungin nga ako ngayon, kung anong makakapagpasaya sakin, hindi ko alam kung pano sasagutin eh. Kaso sa totoo lang, ilang beses ko na rin yan natanong sa sarili ko. 

Hanggang ngayon, hinahanapan ko pa rin yan ng sagot.

"Magaling ba talaga ako?"

Minsan, hindi talaga natin naiiwasang maitanong to sa sarili natin. Hindi maiiwasang magduda sa sarili nating kakayahan. Minsan, kahit alam mong magaling ka naman, dumadating talaga sa point na magdadalawang isip ka.

Ganito yung nangyayari sakin simula nu’ng tumapak ako sa ikalawang taon ko sa college. Ewan ko rin kung bakit. Basta bigla bigla nalang akong pinaghinaan ng loob. Bigla nalang na parang bulang pumutok at nawala yung self-confidence ko. Para bang, simula nung nahalo ako sa ibang mga tao, umurong yung galing ko.

Nalulungkot ako kasi pakiramdam ko ang hina ko ngayon. Parang sobrang sensitive ko sa mga bagay bagay na alam kong kaya akong pahinain. At ang pinakanakakalungkot na part e hinahayaan ko silang gawin yun sakin.

Hindi ako motivated ngayong sem. Hindi ako motivated everyday. Walang thrill yung araw araw na pagpasok ko. Yung dati kong point of view na, “Magpapakitang gilas ako ngayon.” araw araw, naging “Bukas nalang ako magpapakitang-gilas.” na hindi na yata matutuloy.

Nagdadalawang isip ako sa sarili ko. Kasi baka mali. Baka mapahiya. Baka may masabi yung iba. Ang dami kong ‘baka’ na dati hindi ko naman naiisip. Dati hindi ko naman nararamdaman. Nagdadalawang isip ako sa kakahayan ko, kahit na long before this sem, I’ve proven to myself, and to other people, na may ibubuga ako.

Anong nangyayari sakin? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, kailangan kong maregain yung self-confidence at self-esteem ko. Sana, maregain ko pa nga sila.